Sumakay ako ng Bus papuntang Buendia at habang nasa daan tumabi sa akin ang isang Ate mistisa, mahaba ang buhok, may balingkinitang katawan, mapulang labi, nakasuot ng magarang damit na tila ba nag sumasalamin sa kanyang mala'manikang mukha sa makatuwid isa syang Chix. Munit binaling ko ang aking paningin sa kanyang na mumuktong mga mata. Sa aking palagay, gabi pa sya umiiyak at mukhang matindi ang kanyang pinagdaraanan bakas sa kanyang mukha na sya ay nasasaktan o nahihirapan. Masyadong mabigat sa dibdib, anu po. Pero yun ay sa aking palagay lamang. Maaring problema sa Pag -ibig kung kayasya malungkot o di kaya'y sa pamilya o di kaya'y sa trabaho.
"Ate, panyo po gusto nyo?..", nakikiusap kong tanung sabay alok ng bulaklaking pulang panyo na may burdang ''Evelyn"
"Ah, sige wag na mayroon ako.. salamat ha.."
Noon nakita ko ang kanyang ngiting na sa aking palagay ay hindi balat kayo o di kaya'y hindi naman masasabing hindi para sa akin. Napakaganda nito tila ba lahat ng spekulasyon ko noong una e nawala at napalitan ng "Ah siguro, tears of joy.."
"Pasaan po kayo..?"
"Ah, Dyan lang sa Laguna, May aasikasuhin ako importante.. kung maging matagumpay ang lakad ko ngayon siguro malaki ang maiitutulong noon sa aking pamilya.."
Hindi ko na inusisa kung, Bakit? Anu yun? para saan? . Mahahalatang ako ay isang manunulat na ang gusto lamang ay mag lathala ng isang taong mapapagkunan ng inspirasyon at gawing elebrity ang tao na yun ng hindi nya alam pagkat gagawan ko sya ng katauhang hindi naman talaga sya.
Sa hindi inaasahang pag kamalikot ng aking mga mata na pasulyap ako sa kanyang telepono, at nahagip ng aking mga mata ang mensaheng ganito:
"Wg kna iiyak ha...and2 lng aq lage honey...d kta iiwan at susporatahan kta s lht..."
Ay ang sweet naman ni Honey, pero dapat akong kasuhan ni ate kasi I invaded her privacy.. Ultimo Format ng text ni Honey plakado. Ibig sabihin tungkol yun sa trabaho kasi crossed out na yung Family at Lovelife dahil nag text si honey at base sa kanyang sinabi kanina, 'kung maging matagumpay ang lakad ko ngayon siguro malaki ang maiitutulong noon sa aking pamilya..'. ganun na nga tama ang aking haka hakang madaming pinagpilian.
Masyadong tahimik at matipid lamang ang imik l si Ate. Base sa aking nakikita e, masayahin naman talaga ang personalidad na meron sya bakit kamo, bawat sagot nya sa akin ay may ganting ngiti na tila ba bagay na bagay sa kanya parang nakasanayan na nyang ngumiti palagi.
Masyadong mahaba na ang byahe namin at bumaba na sya. Baon ang ilang minutong convo namin at ang knyang ngiti sa kabila ng pag iyak nya mag damag. wla akong masyadong nakuhang datos kaya marahil kung isusulat ko ito gaya ng ginagawa ko ngayon maiinvalid ito dahil hindi credible ang source. Utak ko lang at malikot na imahinasyon.
Siguro biktima lamang sya ng salitang "Hindi ko kaya.." Ang salitang pumipigil sa damdaming gustong kumawala. haha medyo malalim yun. Siguro madami na syang napagdaanang kabiguan, rejetions at kalungkutan pero nailalabas nya lamang yun sa pag hikbi ng panakaw habang nasa byahe.
Madaming ibig sabihin ang bawat pag patak ng luha, maaring tagumpay. maaring kalungkutan, kabiguan at maaring bagong pag - asa. Siguro, may mga bagay talagang kailangan pag tyagaang hintayin. Mga bagay na kelangan muna nating pagtuunan ng pansin at pag nilaynilayan ng mahabang panahon.
Kaya dapat hindi na naimbento ang salitang "hindi ko kaya" dahil madaming taong maaring mag give up dahil hindi naman lahat matibay ang damdamin..
Pero gaya ng sinasabi ko hindi credible ang data ko mula kay ate na ultimo pangalan hindi ko na kuha basta sya si Ateng na chix.. at may pag asa sana syang gawing instant celebrity sa aking panulat sa hindi nya katauhan.
Sasusunod na byahe siguro sa parehong sakayan at sa parehong oras makakasabay ko ulit sya at maiitatanung ko na ang kanyang pangalan at siguro sa oras na yun nakangiti na sya..
"O, BendiaBendiaBendia,.."
"O, Miss Bendia na baba kana.. at baka mabasag ang salamin ng aming bintana kakatitig mu sa labas ng nakangiti.. "
Yan ang hirap sa manunulat hindi pumapahinga ang isip habang nasa byahe dapat may maiisulat ka agad pag dating dapat nagana ang imahinasyon mo dun pa lang dapat nag eedit kana at nag susulat sa isip. sagot ko kay manong konduktor.
=)