Tuesday, January 14, 2014

Tatlongpu’t Anim na Oras



"Sino ka ba talaga? 
Bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa'yo.."

Yun ang mga katagang narinig ko sa kanya nun paalis na ako ng hospital. Naaksidente kasi ang pinakamamahal ko at sa kasamaang palad nag karoon sya ng pansamantalang pagkawala ng kanyang alaala dahil sa trauma --hindi ko alam ang mararamdaman  ko noong, Yung oras na tumawag sa akin ang best friend nya upang ipaalam sa akin ang nangyare. Galing kasi sya manila noon pra mag ayos ng mga documents para sa magiging trabaho nya at habang pauwe na sya naaksidente yung sinasakyan nyang taxi.

Alam ko kung gaano sya kasaya noong nalaman nya na sya ay magkakaroon ng pormal na trabaho. Matagal kasi nya yung inantay, na halos mawalan na sya ng pag – asa magkaroon ng trabaho. Sabi nga nya sa akin kung wala daw ako sa tabi nya baka daw sumuko na sya sa pag hahanap. Nakakafrustrate daw talaga ang mag try o mag baka sakali sa mga paasang ahensya at Kompanya.

Dinalahan ko nga sya ng favorite nyang fried chicken. Kahit hindi pa nya ako maalala bakas sa mukha nya ang saya habang hinihimay ko ang fried chicken para sa kanya na palagi ko naman ginagawa sa tuwing kami ay sabay na kakain. Likas kasing masiyahin ang girlfriend ko kahit nag aaway kami tapos mag kikita kami at masama ang loob nya sa akin naka ngiti pa yan. Minsan ko lang sya makitang malungkot yun e kapag hindi sya natatanggap sa trabaho o feeling nya failure sya pero sandali lang yun mamaya tatawa na yan. 

Sinagot ko lang ng ngiti ang kanyang tanung kasi kahit ako hindi ko alam ang isasagot ko sa tanung nya yun at agad nag paalam sa kanya dahil papasok na ako sa trabaho ko. Paano nga kaya kung hindi na bumalik ang alaala nya? tanda ko pa kasi nun tinanung nya ako, paano kung biglang nawala ang alaala ko anu gagawin mo? sabi ko sa kanya: edi mag sisimula ulit ako sa una kukunin ko number mo, magkakakilanlan ulit tayo tapos liligawan ulit kita. Back to basic. Pero ngayun masakit pala talaga mag back to basic. hindi naman sa feeling ko nawala na sya sa akin pero prang sa tingin ko pag aaralan nya ulit akong mahalin. strangers again kung ba ga. Ayaw ko nga umalis sa tabi nya nun. Haggang sa lumabas na ako ng pinto ng silid nya habol pa din ang tingin nya sa akin. at bakas ang pagtataka.

After ng work ko dumeretso agad ako sa hospital at dinalahan ko ulit sya ng favorite nyang chicken alam ko matutuwa sya kapag nakakain ulit sya nito. Kaso nagalaho ung ngiti sa mukha ko nun sinabi sa aking inilipat sa ICU ang girlfriend ko. Halos gumuho ang mundo ko nun mga oras na yun, ang daming pumasok sa isip ko. Hindi pa naman ako nakakabawi sa kanya nun huli kaming nag away dahil nahuli na naman nya akong may nakakchat na iba, nahuli na din akong may iba. pero kahit ganun sya pa din naman ang mahal ko sya pa dn ang nag iisa sa puso ko. At nitong huli kaming mag away nag promise ako sa sarili ko na hinding hindi na ako uulit never ko na syang sasaktan at hindi ko na sasayangin ang pag mamahal nya. Kaya subra akong apektado nun nalaman ko ang nagyare sa kanya. Alam ko naman kahit sabihin nyang ok lang ang pagkakamali ko, alam ko malalim na sugat yun sa kanya. Lagi nyang sinabi sa akin na, ‘Mahal kasi kita’. At Saka Pangako nya sa akin mamahalin nya ako at tatangapin. Dahil daw, ‘Love can care over a multitude of sins’.

Habang pinagmmasdan ko sya sa ICU, hindi ko mapigilan tumulo ang luha ko. Naalala ko nun una kami nag kita at ung mga masasayang moments namin. Hindi ako sanay na nakikita syang wlang emosyon. Hindi ako sanay na tahimik lamang sya, namimiss ko na ang mga kwento nya na halos hindi sya nauubusan, yung mga taong nakikilala ko sa pamamagitan ng kwento nya na para bang isang buhay na teleserye, yung ngiti nya at kung paanu sya tumawa namimiss ko na yun. Kung papaanu nya ako patawarin at sabihing OK lang yan, yaan na natin, lahat naman ng tao nagkakamali, Yung mga sermon nya na parang nasa husgado, sya na ata ang pinakamabait na babaeng nakilala ko bukod sa nanay at kapatid ko. at higit sa lahat sya lamang ang kaisaisang tumanggap sa akin at sa aking nakaraan todo suporta pa sya sa akin. Hindi ko kaya kung mawawala sya hindi ko alam kung paanu na ako, yung laban ng buhay kasama sya. Sya na lang ang meron ako. 

Magging crucial ang mga susunod na 36 hours. Na sana hindi humantong sa iiwan na nya ako ng tuluyan. Kahit kelan kahit madami akong pagkakamali sa kanya hindi nya ako iniwan at inunawa nya lang ako. Para syang anghel ko. At hindi nagbabago ang kanyang maamong mukha kahit may gasgas ito. Ang ganda ganda nya pa din. tapos pag nagising sya mag rereklamo toh sa akin kasi nagkagasgas ang makinis nyang balat. ayaw pa namn nya nun. I'm sure mapaparanoid sya. Excited na akong magising sya, excited na akong makausap ka alam ko ikwekwento mo na naman nararamdaman mo at karanasan mo. Miss na kita.

______________________________________________

wlang mintis akong nakikibalita habang nsa trabaho tungkol sa improvement nya. 
Nagmamadali akong pumunta sa hospital after ng work ko dahil malapit na matapos ang 36hours. 
Tatlongpo’t anim na Oras, maaring makapiling ko pa sya o maaring tuluyan na nya akong iwan. Yun siguro ang pinakamasakit sa lahat, Naabutan ko ang doctor sa ICU, Ittry na nila irevive ang vital signs ng girlfriend ko hanggang sa hawak ko ang rosary na bigay nya sa akin nun birthday ko. Pangako mag babago na talaga ako, mabuhay ka lang. Hindi ko kakayanin mawala ka. Nag uunahan ang bilis ng tibok ng puso at pag patak ng Luha ko nun. Nanlalamig na nag buo kung katawan, alam kong nahihirapan na din sya. Mabilis mag give up ang mahal ko, sana pwede kong ibulong sa kanya, Laban ka. Andito lang ako.. Kaya mo yan. Promise mo sa akin hindi mo ako iiwan. Ayaw kong isipin na huli na ang lahat para sa amin. Kakain pa tayo ng madaming chicken at mamasyal pa tayo mga simpleng bagay na magpapasya sa'yo... papakasalan pa kita.

_____________________________________________

Palagay ko dininig ng panginoon Dyos ang hikbi ko nun. Na’revive ang tibok ng kanyang puso at anytime pwede syang magising. Inilipat na sya sa kanyang silid. alam kong natutulog na lamang sya ngayon. at hihintayin ko syang magising, sana maalala na nya ako at maibalik ang kanyang memories..habang tintigan ko sya, at hopefully makita ko na ulit ang kanyang mga ngiti ang kislap ng mga mata nya. at suklayin nag mahaba nyang buhok. Kaya kong isugal lahat para sa kanya. Hawak ko pala ang kamay nya hanggang sa hindi ko na malayang nakatulog ako.. at mayamaya naalimpungatan ako bahagya kong iminulat ang aking mga mata nakakasilaw...subrang liwanag.
_____________________________________________

ring! ring! ring!
Helo! 
Babe, ang tagal mong sumagot!
--helo sorry kasii.......

Panaginip lamang pla ang lahat. Nagising ako  may luha ang mga mata ko. Akala ko totoo.
Magkikita kami ng girl friend ko ngayong raw na ito pangako yayakapin ko sya ng mahigpit. 
yung subrang higpit. at mag sosorry sa lahat ng pagkakamali ko..



No comments:

Post a Comment